-- Advertisements --
Napanatili ng San Miguel Beermen ang kanilang laban sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals matapos talunin ang NorthPort 120-99 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Mayroon na kasing pitong panalo at apat na talo ang Beermen.
Bumida sa panalo ng Beermen si Arwind Santos na nagtala ng 23 points at 11 rebounds habang mayroong 21 points si Marcio Lassiter.
Nag-ambag naman ng 21 points si Mo Tautuaa habang mayroong 15 points si Von Pessumal at 12 points naman si Reigo Gamalinda para sa panalo ng Beermen.
Ipinagmalaki ni Beermen coach Leo Austria ang kaniyang mga manlalaro dahil sa naipanalo nila ang mahalagang laban na una ay sa Barangay Ginebra.