-- Advertisements --

Nasa high risk na ang halos kalahati ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) bed capacity ng hospitals sa Metro Manila.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases dahil sa mas nakakahawang Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, anim na lungsod ng Metro Manila ay may 60-percent intensive care unit (ICU) bed utilization rate sa kanilang hospital habang 70 percent capacity naman sa ibang rehiyon.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Vergeire na ang kanyang ahensiya ay nagpalagay na may nangyaring community transmission ng variant ng Delta.

Aniya, ang hospital occupancy rate na 60 percent hanggang 70 percent ay kinokonsidera na moderate habang ang 71 percent hanggang 85 percent ay kinokonsiderang high risk.

Kritikal naman kapag aabot sa 85 percent ang hospital’s health care utilization rate base sa standard classification ng Department of Health (DoH).