Bayokbok
Bayokbok falls

BAGUIO CITY – Patok na patok na pasyalan ngayong summer ang Bayokbok Falls na matatagpuan sa Sitio Sayangan, Barangay Tuel, Tublay, Benguet.

Ayon kay Tuel Barangay Kapitan Aurillio Biernes, opisyal na nabuksan sa mga turista ang Bayokbok Falls noong Pebrero.

-- Advertisement --

Napag-alaman na dinarayo ito ng mga turistang nanggagaling sa Baguio City gayundin sa iba pang bahagi ng Benguet at sa lowland.

Tinatawag din ang Bayokbok Falls bilang 3 Layers Falls dahil sa tatlong bahagi nito na maaaring matunghayan ng mga turista sa tinatawag na Bayokbok Adventure.

Sa ngayon ay aabot sa P120 ang entrance fee sa Bayokbok Falls, at kasama na dito ang life vest at cottage habang pinapasigla naman ang mga turista na magbigay na bukal sa kalooban na tip sa mga tour guide na magsisilbing photographer sa Bayokbok Adventure.

Tiniyak ng barangay at ng lokal na pamahalaan ng Tublay, Benguet na mas papagandahin pa ang serbisyong iaalok sa mga bibisita sa Bayokbok Falls.