-- Advertisements --
Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanilang babarilin ang mga lalabag sa ipinapatupad na lockdown.
Sinabi ni Bayan Secretary-General Renato Reyes, indi masosolusyunan ang problema sa paggamit ng baril.
Nilinaw din nito na hindi nila miyembro ang mga naarestong nagsagawa ng kilos protesta sa Quezon City nitong nakalipas na Miyerkules.
Magugunitang binantaan ng Pangulo ang mga lalabag sa ipinapatupad na lockdown na kaniyang ipababaril sa PNP at AFP.