Magpapatupad ng bawas presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Ipinatupad na ng Phoenix Petroleum at Cleanfuel ang P1.70 sa kada litro ng diesel habang mayroong P0.90 sa kada litro ng gasolina.

Ngayong araw naman ay ipapatupad ng Seaoil ang P0.90 na bawas sa kada litro ng gasolina at P1.70 na bawas presyo sa kada litro ng diesel at P1.65 sa kada litro ng kerosene.

Sa Martes naman Enero 21 ay ipapatupad ng Shell ang P0.85 na kada litro ng gasolina, P1.70 naman sa kada litro ng diesel at P1.65 sa kada litro ng kerosene.