Pasok na rin sa “moderate risk” category sa COVID-19 ang mag probinsya ng Batangas, Laguna at Quezon, ayon sa OCTA Research group.
Kasunod naman ito nang pagkakatanggal sa moderate risk classification ang National Capital Region, Cavite at Rizal.
Sinabi ni Dr. Guido David na ang target sa NCR ay mapababa sa hindi lalagpas sa 10 percent ang positivity rate nito sa susunod na dalawang linggo.
Hanggang kahapon, Enero 31, ang positivity rate ng NCR at nasa 17 percent.
Sa mga probinsya sa Calabarzon, ang Cavite ang siyang may pinakamataas na positivity rate sa 31 percent, na sinundan ng Quezon na may 25 percent, at Laguna na may 21 percent.
Ang Rizal naman ang siyang mayroong pinakamababang positivity rate sa 8 percent.
Pagdating naman sa reproduction rate, ang NCR ay 0.45, habang ang Quezon ang siyang pinakamataas sa mga probinsya sa Calabarzon sa 0.90 at Rizal naman ang pinakamababa sa 0.46.