forward truck
Tboli accident

KORONADAL CITY – Labis ang paghihinagpis ng ilang mga kaanak ng pamilya Ayupan na napabilang sa 34 na mga biktima ng pagkahulog ng forward truck sa bangin sa Brgy. Lamsalome, T’boli, South Cotabato.

20 patay pati ang ilang bata sa nahulog na truck sa bangin; mga biktima pauwi na mula sa swimming

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal sa isa sa mga kaanak ng mga biktima, nasa kritikal na kondisyon sa ngayon si Randave Ayupan habang patay naman ang mga magulang nitong sina Fanny Ayupan at Randave Ayupan at kapatid na si Mikay Ayupan.

Hiling naman ng mga kaanak ni Randave na sana ay makaligtas kahit man lamang ang nasabing bata sa nasabing aksidente na nasa comatose na sitwasyon sa ngayon.

Napag-alaman na umakyat na ang bilang sa 21 ang mga namatay sa kabuuang 34 na mga sakay ng forward truck.

Halos lahat ng mga buhay ay nasa kritikal na kondisyon.