Naghain ng resolusyon si Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. kung saan nananawagan ito ng imbestigasyon sa kongreso hinggil sa pagtaob ng MB Aya Express sa Laguna Lake nuong July 27 na ikinasawi ng 27 pasahero habang anim na iba pa ang naiulat at nawawala ang anim na iba pa.
Sa inihaing House Resolution No.1159, hinimok ni Barzaga ang appropriate House committee na imbestigahan in aid of legislation ang Philippine Coast Guard (PCG), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Interior and Local Government (DILG), at ang local government ng Binangonan, Rizal, at iba pang mga ahensiya at tignan ang kanilang isinagawang response sa Typhoon Egay at tukuyin ang mga kinakailangang reporma para maiwasan ang mga negatibong epekto ng natural disasters sa mga Pilipino.
Lumubg ang MB Aya Express sa Brgy. Kalinawan, Binangonan, Rizal, na bahagi ng Laguna Lake, sa gitna ng malakas na hangin at pag-ulan na dulot ng bagyong Egay.
Ayon sa beteranong mambabatas, na siyang chairman ng House Committee on Natural Resources, na naka pokus ang imbestigasyon sa pagtukoy kung may kapabayaan ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil halatang lumubog ang bangka dahil sa patuloy na problema ang overloading.
“Survivors also said that the boat carried heavy cargo such as motorcycles and sacks of sand and rice. Clearly, there was overloading considering that the manifest stated that there were only 22 passengers and three crew members. Moreover, even Binangonan, Rizal Mayor Cesar Ynares stated that MB Aya Express was warned not to overload passengers but the warning was ignored. Thus, Mayor Ynares wanted the Philippine Coast Guard (PCG) and the operator of MB Aya Express to be held responsible,” pahayag ni Barzaga sa kaniyang resolution.
Batay sa pahayag ng survivor na si John Christian Dorada, nag panicked ang mga pasahero na nagsanhi na tumagilid ang bangka at lumubog.
Ayon naman kay PCG Commandant Adm. Artemio Abu na hindi na nagsagawa ng inspection ang mga tauhan ng Coast Guard dahil nakalagay sa manifesto ang otorisadong bilang ng mga pasahero dahilan na binigyan ito ng permit na makabiyahe.
Inihayag ni Rep. Barzaga na nakaka alarma ang nasabing hakbang ng PCG, kaya mahalaga na i-examine at i-assess at i-improve ng PCG ang kanilang mandato.
“Sadly, time and time again, we witness the Philippines’ incapacity to cope with natural disasters. It is time to reflect on the lessons learned from our sad experiences with natural disasters and support the country’s ability to predict and respond to natural disasters, disaster-sentitive planning, more investments in flood control systems, improvement in drainage systems, waste collection and other pro-active programs,” pahayag ni Barzaga.
















