-- Advertisements --

Isa ng ganap na republika ang Barbados matapos ang 400 na taon.

Tinanggal na rin nila si Queen Elizabeth II bilang head of the state.

Agad naman na nanumpa bilang pangulo si Dame Sandra Mason sa isinagawang overnight ceremony sa Bridgetown ang capital ng nasabing bansa.

Dumalo si Prince Charles sa pagtanggal ng bandila ng Britanya.

Nanawagan ito na sana may maging magkaibigan pa rin ang Britanya at Barbados.

Bilang bahagi ng opisyal ng pagpapalit ng pamumuno ay nagsagawa ng final salute sa British monarchy at ibinaba ang Royal Standard flag at ito ay pinalitan.