CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang opisyal ng Barangay sa pamamaril dakong alas 7:45 nitong Lunes ng gabi sa Cotabato City.
Nakilala ang biktima na si Basir Adam Barangay Kagawad ng Brgy Mudseng Midsayap North Cotabato.
Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na habang papasok ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City at kagagaling lamang kumain at may pasyente ito sa pagamutan.
Bigla lamang umano itong nilapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola at 9mm pistol.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo at pawang naka-bonnet kaya ito ito namukhaan ng mga sibilyan.
Agad dinala ang biktima sa Emergency Room ng CRMC ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo at ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.