Batoy 4
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nag-viral sa social media ang isang barangay kagawad sa probinsya ng Cotabato.

Myembro ng LGBT sa Midsayap, Cotabato si Leonico ”Batoy” Tayong na animo’y ginawang fashion show ang pagpabakuna nito kontra COVID-19.

Nagpaturok si Brgy. Villarica Barangay Kagawad Tayong ng kaniyang ikalawang dose ng Pfizer vaccine suot ang kaniyang red ball gown na may korona at sash pa na “Ms. Pfizer 2nd Dose 2021.”

Maliban sa pagiging barangay kagawad, si Batoy ay naihalal bilang vice president for external ng Midsayap Association of Gifted Individuals (MAGI) na isa sa mga grupo ng LGBT sa bayan.