Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police Office ang isang bar na bukas nitong Sabado ng gabi sa gitna ng umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ).
Batay sa ulat ng Makati PNP, nakatanggap sila ng impormasyon na may nag-ooperate na bar sa kanto ng Burgos Avenue at Durban Street sa Barangay Poblacion.
Dahil dito, agad pinuntahan ng mga tauhan ng Makati police ang lugar at dito tumambad sa mga pulis at SWAT team na bukas ang bar at maraming mga tao sa loob.
Nasa 52 na mga bisita ang natiketan dahil sa paglabag sa quarantine classification at protocol gaya ng physical distancing at iba pang health protocol.
May paglabag din ang bar dahil bawal ang dine-in ngayong naka-MECQ pa ang Metro Manila, at may mga patakaran pa sa curfew at pag-inom ng alak.
Sasampahan naman ng kaso ang may-ari ng bar.