CAUAYAN CITY- Nakiisa ang pamahalaang Lungsod sa paggunita sa Buhay at Kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio ngayong araw, nOVEMBER 30, 2020.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang uniformed personnel at kawani ng pamahalaang Lunsod ng Santiago sa pangunguna ni City Mayor Joseph Tan.
Nag-alay siya ng bulaklak at sumaludo sa bantayog ng bayani bilang bahagi ng pakikiisa sa pagdiriwang ng kaarawan ng Ama ng Katipunan.
Hindi bababa sa 50 katao ang nakiisa sa pagdiriwang kabilang ang mga kawani ng Pamahalaang Lunsod,mga department heads, ilang City Councilor , kawani ng Santiago City Police Office, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management Penology, Schools Division Office, at Department of Public Order and Safety.
Binigyang pugay din sa nasabing seremonya ang katapangan at kabayanihan ng mga nagsisilbing modern heroes sa gitna ng pandemya partikular ang mga frontliners na hindi matatawaran ang ibinibigay na sakripisyo at serbisyo sa bayan.
Sa pamamagitan nito umaasa naman ang Lokal na Pamahalaan na muling mabubuhay at maaalala ang mga sakripisyo at naging katapangan ni Gat Andres Bonifacio na nagresulta sa pagkakaroon ng kasarinlan at kalayaang tinatamasa ngayon ng bansa.