-- Advertisements --

Itinuturing na ngayon ng Philippine National Police (PNP) na mga pugante na sina dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag and former Deputy Officer Ricardo Zulueta.

Kasunod ito sa paglabas ng kanilang warrant of arrest na inihain sa kanila dahil sa pagkakasangkot umano sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Redrico Maranan, na mula ng lumabas ang warrant of arrest ay kanilang hinalughug ang lugar na maaring kinaroroonan ng dalawa.

Magugunitang nitong Biyernes ay naglabas ang Regional Trial Courts sa Las Pinas at Muntinlupa ng search warrants laban sa dalawa.

Nadiin ang dalawa noong nakaraang buwan ng 2-counts of murder dahil sa pagpatay kay Lapid at sa middleman na si Jun Villamor.