BSP DIOKNO
-- Advertisements --

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nananatiling matatag pa rin ang lagay ng banking system ng bansa kahit mayroong COVID-19 pandemic.

Ito ay kahit na patuloy na bumababa ang mga pautang sa mga bangko.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno na tumaas ang assets ng banking system ng bansa na aabot sa 5.4% o katumbas ng P19.8 trillion noong katapusan ng Hulyo.

Base sa datos ng BSP, nanggaling mismo ang funding sa mga deposits na tumaas ng 7.2%.

Umaasa si Diokno na magkakaroon ng improvement ang credit activity sa mga susunod na buwan lalo na at patuloy ang pagpapaigting ng gobyerno ng vaccination program at ang pagpapaluwag na ng mga implementasyon ng granular lockdowns sa Metro Manila.

-- Advertisement --