kobe bryant lakers
Kobe Bryant

Ipinasakamay na sa kani-kanilang pamilya ang bangkay ng NBA star Kobe Bryant, anak nitong si Gianna at pitong ibang kasamahan nila na nasawi matapos bumagsak ang helicopter na kanilang sinakyan.

Ayon sa Los Angeles County Medical Examiner na isinagawa ang pagpapasakamay matapos na tuluyang makuha at makilala ang mga ito mula sa pinagbagsakan ng kanilang sinakyang helicopter.

Ang mga bangkay ay kinilalang sina Bryant, 41 at 13 anyos na anak nito kasama sina Payton Chester, 13; Sarah Chester, 41; Alyssa Atobelli, 14; Keri Altobelli, 46; John Altobelli, 56; Christina Mauser, 38 at ang pilotong si Ara Zobayan, 50.

Lumabas na ang pagkamatay ng mga biktima ay dahil sa blunt force trauma dahil sa aksidente.

Magugunitang noong Enero 27 ng umaga habang patungo ang grupo sa Mamba Sports Academy ng bumagsak ang sinakyang helicopter ng grupo ng Los Angeles Lakers star dahil umano sa makapal na ulap.

-- Advertisement --