-- Advertisements --
Natagpuan ang bangkay ng ‘Glee’ actress na si Naya Rivera.
Ito ay matapos ang ilang araw na paghahanap sa Lake Piru sa Los Angeles.
Ayon sa Ventura, California, County Sheriff, agad nilang ipinaalam sa kaanak ang pagkakatagpo sa bangkay at positibo nilang kinilala na ito ang 33-anyos na actress.
Magugunitang noong nakaraang Linggo ng maiulat na nawawala ang actress ng maligo sa lawa kasama ang apat-na taong gulang na anak na lalaki na si Josey.
Natagpuang ligtas ang bata subalit bigo agad na mahanap ng mga otoridad ang bangkay ng actress.
Gumanap bilang si Santana Lopez ang actress sa “Glee” sa anim na taong musical show mula 2009 hanggang 2015.