-- Advertisements --

Nakauwi na sa Ghana ang bangkay ng football player na si Christian Atsu.

Si Atsu ay sinawing palad sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs and Regional Integration (MFA) ng Ghana na nagsagawa sila ng isang simpleng seremonyas ng dumating ang bangkay sa Kotoka International Airport.

Sinalubong ni Vice President Mahamudu Bawumia ng Ghana ang bangkay na nagkaroon pa ng military procession.

Isang sikat na manlalaro ng Ghana Black Star football team si Atsu at marami aniyng mga fans nito ang nalungkot ng mabalitan ang insidente.

Kabilang siya sa naglaro sa Brazil World Cup noong 2014.