-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang bangkay ng isang lalaking palutang lutang sa ilog sa Zone 3 Brgy. Inapatan, Nabua Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCorporal Ronald Peregrino tagapagsalita ng Nabua PNP sinabi nitong, pasado alas 8:00 umano kaninang umaga ng matagpuan ang bagkay ng nasabing lalaki sa Bicol River.

Ayon kay Peregrino, mahigit tatlong araw na umano ng huling makita ang lalaki na sugatan at bloated na rin.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.