BAGUIO CITY – Naiuwi na ang bangkay ni Army Maj. Marvin Indammog sa hometown nito sa Purok Uno, Bulanao, Tabuk City, Kalinga ngayong araw.

Sinaluduhan ng mga miyembro ng militar ang bangkay ni Indammog sa paglapag ng eroplanong sinakyan nito sa 503rd Brigade Camp sa Calanan Tabuk City, Kalinga mula sa Tuguegarao Airport.

Sinalubong din ng pamilya niya ang bangkay nito at ang mga residente ng probinsiya ng Kalinga.

Pumila ang mga ito sa highway ng Bulanao mula sa Calanan hanggang sa bahay nina Indammog sa Purok Uno, Bulanao Tabuk City, Kalinga.

Sa ngayon ay wala pang naitakdang araw kung kelan maililibing ang bangkay ng namatay na opisyal.

Maaalalang isa si Indammog sa mga nasawi sa pamamaril na nangyari sa Jolo, Sulu.