-- Advertisements --
Sinimulan na ng gobyerno ng Indonesia ang paniningil sa mga turista na magtutungo sa Bali.
Kilala ang Bali sa mga sikat na dagat at mga magagandang tanawin.
Ipapatupad na ng Bali ang paninigitl ng $9.60 sa mga turistang bibisita bilang tourist tax.
Mula pa noong nakaraang taon ng ianunsiyo ang paniningil na naging epektibo sa Valentines Day.
Mula Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon ay nagtala ang Bali ng halos 4.8 milyon na turistang bumisita.