-- Advertisements --

Mistulang nakahinga ng maluwag si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. matapos makumpirma na maari pa ring magamit ang bakuna sa COVID-19 vaccine na sakay sa lumubog na bangka habang patungong bayan ng Polillio sa Quezon province.

Pinuri ni Galvez ang nag-rescue sa dalawang boxes ng COVID-19 vaccines dahil ang kagandahan daw ay binalot pala ng plastic ang pinaka-box ng bakuna kaya hindi ito nabasa sa tubig dagat at hindi rin nasira.

ocas

Todo rin naman ang pasalamat ni Galvez sa mga health care workers at mga kasama nila sa pag-rescue sa bakuna na sa huli ay natulungan din ng Philippine Coast Guard.

Una nang iniulat ng Coast Guard na sakay ng service boat ng Department of Agriculture nang lumubog ito may 100 metro ang layo sa Barangay Ungos, Real, Quezon.

Lulan ng bangka ang dalawang personnel ng Department of Health (doh), dalawang pulis ng Polillo municipal police station, ang boat captain at motorman.

Sinabi ng isang pasahero na tumama sa isang sementadong poste ang bangka kaya ito ay tumaob.

Nasa mabuting kalagayan na ang mga pasahero matapos na sila ay nailigtas.

Samantala sa kabilang dako nagpaalala naman ang vaccine czar sa mga LGUs lalo na ang mga provincial health officers na sila ang responsable sa pangangalaga sa mga bakuna na maging ligtas ito habang nakaimbak.

Dapat daw palaging inspeksiyunin tuwing anim na oras o tatlong beses sa isang araw ang mga nakaimbak na bakuna upang matiyak na gumagana ang cold storage o freezer.

Ang naturang paalala ng kalihim ay matapos din na mapabayaan sa freezer ang nasa 300 doses ng bakuna sa Cotabato.

Sa ngayon patuloy pa itong iniimbestigahan.