Nakapagtala ng record sa British auction ang isang baka na pinangalanang Posh Spice.

Ito ay matapos na maibenta sa halagang $360,000 na siyang pinakamahal na Limousin breed pedigree heifer.

Ayon sa kaniyang breeder na si Christine Williams at Paul Tippets ng Lodge Hill Farm sa Shrophire na mayroong kakaibang uri at laki ang nasabing baka.

Ipinangalan nila ang baka sa isang miyembro ng girl group na Spice Girls dahil sa pagmamahal nila sa miyembro nito na si Victoria Beckham.

Ibinenta ang baka ng Harrison and Heatherington auctioneers sa Carlisle, Scotland kay Craig Douglas ng AW Jenkinson Farms sa Cumbria, England.

-- Advertisement --