-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Agaw atensiyon ngayon ang ipinanganak na bakang mistulang may pakpak sa likod sa Barangay Libas, Banga, Aklan.

Ang sinasabing pakpak na tumubo ay tila dagdag na buntot sa likod nito.

Ayon sa may-ari ng baka na si Norly Cuarton, residente ng naturang lugar na ang ina ng baka ay isang taon na nilang alaga.

Ngayon lamang umano ito nagsilang at ang anak na lalaki ay may kakaibang buntot sa likod ng katawan.

Simula ng ipinanganak ito noong araw ng Sabado, nananatiling malakas ang baka.

-- Advertisement --