-- Advertisements --

NAGA CITY – Tinatayang nasa P50,000 ang kabuuang pinsala matapos masunog ang isang bahay sa Barangay Penafrancia, lungsod ng Naga.

Kinilala ang may ari ng bahay na si Damneda Ojeda.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Fire Chief Inspector Emmanuel Ricafort, fire marshal ng BFP-Naga, sinabi nitong nakadinig umano ng pagsabog ang mga kapitbahay na nagmula sa nasabing bahay na sinundan na ng pagliyab nito na mabilis na kumalat sa kabahayan.

Tinitingnan umano na sanhi ng sunog ang electrical wiring sa naturang bahay.

Samantala, wala namang naitalang nasaktan sa pangyayari.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.