Nilusob ng mga kapulisan ang bahay ng dating state coronavirus data scientist.

Mayroong bitbit na search warrant ang Florida Department of Law Enforcement ng pasukin ang bahay ni data scientist Rebekah Jones.

Si Jones ay sinibak ng state Department of Health noong Mayo.

Iniimbestigahan ito kung mayroon pa siyang access sa messaging system ng gobyerno ng walang paalam at hinihikayat ang mga empleyado na magsalita laban sa nagaganap pagkamatay dahil sa coronavirus.

Paglilinaw ni Jones na wala itong access sa government messaging system at mula noong tinanggal ito sa puwesto ay nawala na rin ang kaniyang access sa government computer accounts.

Inakusahan nito ang mga kapulisang ng panunutok ng baril kung saan kinuha nila ang kaniyang computers, hard drives at cellphones.

Ipinaggigiitan nito na hindi ito hackers na kayang pasukin ang computer system ng gobyerno.