-- Advertisements --

Makakaranas ngayong araw ng light to moderate rains na may kasamay isolated heavy rainshowers ang Isabela, Cagayan, Aurora, northern Quezon, Metro Manila, at karamihan sa Central Luzon.

Ayon sa Pagasa, bunsod pa rin ito ng natirang Low Preasure Area (LPA) ng Tropical Depression Ramon at dahil na rin sa Severe Tropical Storm Sarah.

Bagama’t lumakas at naging Severe Tropical Storm ang Bagyong Sara, inalis naman na sa ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa mainland Cagayan.

Pero, makakaranas naman ng pagbugso ang hilaga at kanlurang bahagi ng Northern Luzon, lalo na sa coastal at mountainous areas dahil sa surge ng Northeast Monsoon.

Huling namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Sarah kaninang alas-4:00 ng umaga sa 425 kilometers east northeast of Aparri, Cagayan.

Aabot sa 95 kph ang lakas ng hangin na taglay nito at pagbugso na aabot sa 115 kph habang kumikilos sa north northwest na direksyon sa bilis na 25 kph.

Samantala, ang remnant na Low Pressure Area (LPA) ng Tropical Depression Ramon ay tinatayang nasa 110 kilometers kanluran ng Subic, Zambales.