-- Advertisements --

Nag-landfall na ang bagyong Ramon sa Santa Ana Cagayan.

Ayon sa PAGASA, dakont 12:20 madaling araw ng Miyerkules ng ito ay magland-fall sa lugar.

Napanatili nito ang lakas na hangin na aabot sa 120 kilometers per hour na may pagbugso hanggang 200 kph.

Nakataas pa rin ang signal number 3 sa North Cagayan na kinabibilangan ng Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Allacapan, Lal-Lo, Gattaran, Lasam, Baggao, Alcala at Sto. Nino.

Nasa Signal number 2 naman ang Abra, Apayao, Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga at natitirang bahagi ng Cagayan.

Signal number 1 ang Benguet, Ifugao, La Union, Mountain Province, Pangasinan, Northern portion ng Isabela na binubuo ng Sta. Maria, San Pablao, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mailig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City.

Nagbabal rin ang PAGASA na mapanganib pa rin ang paglayag sa mga karagatan may nakataas na typhoon signal.