-- Advertisements --

Tuluyan nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Luzon.

Huli itong namataan sa layong 975 km East of Tuguegarao City, Cagayan.

May lakas ito ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

Sa ngayon, malayo pa ito sa lupa at wala pang direktang epekto sa alinmang bahagi ng ating bansa.

Pero inaasahang mahahatak nito ang habagat na siyang magdadala ng ulan sa nalaking bahagi ng ating bansa.