Napanatili ng bagyong jenny ang lakas nito habang patungo sa karagatan ng east northeast ng Batanes.
Ayon sa PAGASA na nakita ang sentro ng bagyo sa layong 305 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes.
May dala itong lakas ng hangin na 155 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 190 kph.
Nakataas naman sa Tropical Cyclone Wind Signal number 3 ang Itbayat, Batanes at ang natitirang bahagi ng Batanes ay nakataas sa signal number 2.
Ilang mga lugar ang nakataas sa signal number 1 na kinabibilangan ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Northern portion ng Isabela na binubuo ng (Maconacon, San Pablo, Santa Maria, Divilacan) , Apayao, sa Tineg, Lacub, Malibcong sa Abra , Ilocos Norte at sa Rizal, Pinukpok, Balbalan sa Rizal.
Inaasahan na tuluyang hihina ang bagyo at ito ay tuluyang lalabas sa bansa ng Huwebes.