-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Inday ang lakas nito matapos makapasok sa bansa.

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Inday nitong ala-7 pm ng Miyerkules.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa layong 1,355 kilometers silangan ng Central Luzon.

May taglay ito na hangin ng 75 kilometers per hour at pagbugso ng 90kph habang ito ay gumagalaw ng southwestward sa bilis ng 10kph.

Nagbabala ang PAGASA na mapanganib pa rin ang pangingisda dahil sa laki ng alon sa karagatan ng nasabing bagyo.

Paglilinaw pa nila na walang landfall ang bagyo pero magpapalakas ng hanging habagat.