-- Advertisements --
Patuloy pa ring minomonitor ang Bagyong “HALONG” na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Bagaman wala pa ito sa loob ng bansa, mahigpit ang pagbabantay sa galaw nito upang matukoy kung ito ay posibleng pumasok sa PAR sa mga susunod na araw.
Ngunit sa mga nakalipas na oras, nagpapakitang hindi na ito lalapit pa sa PH.
Samantala, ang Low Pressure Area (LPA 10b) na una nang binabantayan sa labas ng PAR ay tuluyan nang naging isang Tropical Depression.
Dahil dito, inaasahang magdudulot ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa kung sakaling pumasok ito sa PAR.
Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa proper agencies.