-- Advertisements --
Naging ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area sa silangan ng Southern Luzon.
Dahil dito, tinawag ang sama ng panahon bilang tropical depression Egay, na siyang ikalimang weather disturbance para sa taong 2023.
Huli itong namataan sa layong 900 km sa silangan ng Bicol Region.
May lakas itong 55 kph at gustiness na 70 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa napakabagal na pag-usad.
Sa ngayon, wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal sa alinmang bahagi ng ating bansa.