-- Advertisements --

Nasa silangan na ng extreme northern Luzon ang bagyong may international name na “Champi.”

Ayon sa Pagasa, huli layong 1,970 km sa silangan ng hilaganag Luzon.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 85 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Kaugnay nito, lalo pang lumakas ang pag-iral ng hanging habagat.

Kabilang sa mga maaaring makaranas ng mga biglaan at malakas na ulan ang mga sumusunod na lugar:
Ilocos region, Apayao, Abra, Benguet, Cagayan, Bataan, Zambales, Metro Manila, Occidental Mindoro, Northern Palawan kasama na ang Kalayaan Islands.