Magkakaroon ng mga panibagong terminal assignments sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa Abril.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) na ito ay bahagi ng kanilang Schedule and Terminal Assignment Rationalization (STAR) Program.
Sa nasabing programa na ang mga international flights ay mapupunta sa Terminals 1 at 3 kung saan marami ang mapagpipilian na makakainan at bilihan para sa mga pasahero.
Habang ang Terminal 2 ay magiging all-domestic terminal na.
Sinabi ni MIAA General Manager Cesar Chiong na sa hakbang ay asahan nila ang pagtaas ng kapasidad ng Terminal 2 mula sa dating 7.5 milyon ay magiging 10 milyon na pasahero kada taon.
Sa nasabing hakbang din aniya ay matutulungan ng MIAA ang Customs, Immigration at Quarantine sa pagpapaganda ng kanilang manpower deployment sa Terminal 1 at 3 sa pamamagitan ng pagrealign ng kanilang tao sa mga terminal.