-- Advertisements --

Magsisimula na sa Enero 2021 ang bagong savings program para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Ayon sa SSS tinatawag nila itong Worker’s Investment and Savings Program (WISP) kung saan lahat ng mga kumikita ng P20,000 kada buwan ay maaaring maging miyembro.

Isa aniya itong second layer of protection dahil hindi sapat ang pension na matatanggap kapag ang empleyado ay nagretire na.

Maari ring sumali ang mga ovesease Filipino workers, self-employed at voluntary members.

Tiniyak nila ng SSS na magiging maayos ang kalalagyan ang mga pera ng mga miyembro dito.