-- Advertisements --

Nakapagtala na naman ng panibagong record-breaking na 57,683 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease ang Estados Unidos kasabay nang paggunita nito sa Fourth of July o ang Araw ng Kalayaan.

Sa ngayon ay pumalo na ng 2,890,000 ang COVID-19 cases sa Amerika batay na rin sa datos na inilabas ng Johns Hopkins University.

37 estado naman ang nakakita ng pagtaas ng kaso ng deadly virus sa kanilang lugar dahilan upang mas lalong mabahala ang mga health officials sa kasalukuyang lagay ng bansa.

Hindi raw kasi imposible na mas lalo pang lumala ang krisis na tinatamasa ng bansa kung hindi susunod sa mga panuntunang inilatag ng US government at manatili na lamang sa kanilang bahay ang mga Amerikano.

Maraming lugar na rin ang napagdesisyunang kanselahin ang mga inilatag nilang programa para gunitain ang Independence Day ng Amerika,

Isinailalim na rin sa lockdown ang mga sikat na beach sa Miami, Florida na kalimitang pinupuntahan ng mga tao habang magpapatupad naman ng curfew sa County Bear.

Samantala, dumating na sa Mt. Rushmore National Memorial sina US President Donald Trump at first lady Melania Trump para ipagdiwang ang Fourth of July.

Inaasahan na dadaluhan ito ng halos 7,500 katao sa kabila ng banta ng deadly virus. Ayon skay South Dakota Governor Kristi Noem na hindi na umano kinakailangan ipatupad dito ang pagsusuot ng mask maging ang social distancing.