Sanna Marin
PM Sanna Marin/ IG post

Itinuturing na pinakabatang prime minister ng Finland si Sanna Marin.

Napili kasi ang 34-anyos na transport minister ng kaniyang Social Democratic party matapos na magbitiw sa puwesto si Antti Rinne bilang Prime Minister.

Nakatakdang manumpa sa tungkulin si Marin ngayong linggo.

Kapag tuluyang maupo na ito ay siya na ang pinakabatang prime minister kasunod nina New Zealand PM Jacinda Ardern sa edad 39 at Ukrainian premier Oleksiy Honcharuk sa edad 35.