-- Advertisements --

Magre-reconvene ang mga parliyamento sa Sri Lanka sa Hulyo 15 para pag-usapan ang nakatakdang paghalal nila ng bagong pangulo sa Hulyo 20.

Sinabi ni Speaker Mahinda Yapa Abeywardena, na kanilang ipipresenta ang mga nominasyon ng susunod na pangulo sa parliyamento sa Hulyo 19 at sa Hulyo 20 ay isasagawa ang paghalal ng bagong pangulo.

Ang hakbang aniya ay base sa plano ni President Gotabaya Rajapaksa na bumaba sa puwesto sa Hulyo 13.

Magugunitang nagsagawa ng malawakang kilos protesta ang mga mamamayan ng Sri Lanka dahil sa lumalalang krisis sa ekonomiya at nanawagan sila sa pagbibitiw ng kanilang pangulo.