-- Advertisements --
Inalerto ng Pagasa ang mga residente ng Eastern Visayas dahil sa panibagong low pressure area (LPA) na nabuo sa silangang bahagi ng ating bansa.
Ang naturang weather disturbance formation ay namataan sa layong 350 km sa silangan timog silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) o hanging nagsasalubong na may dalang makapal na ulap.
Nakakaapekto ito sa ilang parte ng Visayas at Mindanao.
Samantala, hanging habagat naman ang nagdadala ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon.