-- Advertisements --
Binabantayan ngayon ng Pagasa ang isa na namang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Luzon.
Ayon kay Pagasa weather specialist Lorie dela Cruz, maliit ang tyansa nitong maging bagyo sa loob ng susunod na 24 na oras.
Pero maghahatid ito ng ulan sa malaking parte ng Luzon.
Huling namataan ang LPA sa layong 300 km sa silangan ng Infanta, Quezon.
Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na umaabot sa Southern Luzon, Visayas at maging sa Mindanao.
















