-- Advertisements --

Binabantayan ngayon ng Pagasa ang isa na namang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Luzon.

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 410 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Sa ngayon, mahina pa umano ang namumuong sama ng panahon at maliit ang tyansang maging bagong bagyo.

Samantala, nakakaapekto naman sa malaking bahagi ng Mindanao ang intertropical convergence zone (ITCZ) o nagsasalubong na hangin na may magkakaibang temperatura.