-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Naipalabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang enhanced features ng peso bills , na inilunsad noong Hulyo 30.

Ayun kay BSP Legazpi bank officer Sharon Moyano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ginawa ang hakbang para maprotektahan ang integridad ng banknotes at maiwasan ang pamemeke ng Philippine peso.

Maaalala kasi na sa mga nakalipas na mga taon, talamak ang pamemeke ng pera sa bansa.

Dagdag pa ng opisyal na layunin rin nito na mas maging madali ang pagtukoy ng pera para sa mga senior citizen at mga visually impared na kalimitang naloloko at nalilito sa mga banknotes.

Napag-alaman na sa bagong labas na disenyo, may naka-angat na marka sa kanang bahagi ng peso bill, kung saan dalawa ang linya para sa P50, apat na linya sa P100 bill, anim sa P200, walo sa P500 at limang linya sa P1000 bill.