Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 5,221 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Hulyo 15, 2021.
Nakapag-record naman ng 4,147 na gumaling, habang 82 ang panibagong mga nasawi.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (45,495) ang aktibong kaso, 95.2% (1,418,856) na ang gumaling at 1.77% (26,314) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat ng DoH, lahat ng mga laboratoryo ay operational, ngunit may apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa record, sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat na laboratoryo ay humigit kumulang 2.4% sa lahat ng samples na nasuri at 2.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Samantala, inalis naman ang 13 duplicates sa total case count.
Ang 10 pala sa mga ito ay natuklasang gumaling na.