Pinag-aaralan ngayon ng mga eksperto ang natuklasang bagong variant ng coronavirus na nakapasok sa Japan.
Sinabi ng Health Ministry ng Japan na natuklasan ang bagong variant na sa apat na biyahero mula Brazil.
Ayon kay Takaji Wakita, head ng National Institute of Infectious Diseases, wala pang katibayan sa ngayon na makakapagsabi na ang bagong variant mula Brazil ay mas nakakahawa.
Sa apat na biyahero na dumating sa Haneda airport noong Enero 2, isang lalaki na nasa 40-anyos ay nagkaproblema sa paghinga, isang babae naman na nasa 30-anyos ay nakaranas ng pananakit sa ulo at pamamaga ng lalamunan at isang lalaki naman na teenager pa ay nagkaroon ng lagnat, habang ang babae na teenager din ay hindi naman nakitaan ng anumang sintomas.
Kamakailan lang ay nagdekalara ang Japan ng state of emergency sa Tokyo at tatlo pang prefectures dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases doon.
Sa buong Japan, nasa 289,000 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases, kung saan 4,061 dito ang binawian ng buhay. (Reuters)