-- Advertisements --
image 222

Pinaghahandaan na ng mga opisyal ng Pilipinas ang pagbisita ng bagong Chinese Foreign Minister na si Qin Gang ngayong linggo.

Si Qin Gang ang ikalawang pinakamataas na diplomat ng China sunod kay Wang Yi, director ng Chinese Communist Party Central Committee Foreign Affairs Commission Office.

Ayon sa diplomatic sources, bibisita ang Chinese top diplomat sa araw ng Biyernes o Sabado kung saan inaasahang magkakaroon ng pagpupulong sa pagitan ng Chinese official at kaniyang Philippine counterpart na si Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Hindi pa rin malinaw kung makikipagkita din ang Chinese top diplomat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang planong pagbisita nga ng Chinese official sa bansa ay kasunod ng ilang isyu sa pagitan ng China at Pilipinas.

Kung saan nagpahayag ng mariing pagtutol ang China sa pamamagitan ni Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian sa desisyon ng administrasyong Marcos para bigyan ng access ang US military forces sa karagdagang sites sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa northern Luzon malapit sa taiwan strait na ayon sa Chinese officials ay gagamitin ng Amerika para sa posibilidad na makialam sa isyu sa self-ruled island.