-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nakatakdang italaga bukas ng umaga bilang ika-4 na Arsobispo ng Capiz si His Excellency, The Most Rev. Victor B. Bendico D.D.

Ang solemn installation ang gaganapin sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral na pangunguhan ni Apostolic Nuncio to the Philippines His Excellency Most. Rev. Charles John Brown, D. D.

Dumating na din sa probinsya ang masobra 60 na mga pari mula sa Diocese ng Baguio, 30 na mga Obispo mula sa ibat-ibang diocese sa buong bansa, 130 na mga pari sa Capiz at mga represantante magmula sa ibat-ibang mission stations/parokya sa probinsya.

Habang, ngayong umaga naman isinagawa ang civic and ecclesiastical reception sa Roxas City Plaza kung saan nagpa-abot ng pasasalamat si Msgr. Bendico sa mainit na pagtanggap sa kanyang pagbabalik sa Capiz.

Si Msgr. Bendico ang resident eng Capiz at inordinahan bilang pari noong Abril 14, 1984 ni late Archbishop Antonio Frondosa.

Inappoint bilang ika-4 na Arsobispo ng Capiz si Msgr. Bendico ni Pope Francis matapos na nabakante ang pwesto sa kadahilanan tinalaga si Most Rev. Jose Cardinal Advincula Jr. bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila noong Hunyo 24, 2021.

Bago pa ito, nagsilbi din itong Obispo ng Diocese ng Baguio noong 2016 sa loon ng 6 na taon.