Nagsagawa ng kakaibang reunion ang 90’s boy band na Backstreet Boys.

Lumabas kasi ang grupo sa virtual concert na pinangunahan ni Elton John kung saan ang perang malilikom nila ay ibibigay na tulong sa mga frontliners na lumalaban sa coronavirus.

Bilang pagsunod sa social distancing, nag-kaniya-kaniyang video sa kanilang mga kabahayan ang miyembro na sina AJ McLean, Howie Dorough, Nick Carter, Brian Littrell at Kevin Richardson.

Kinanta nila ang kanilang hitsong na “I Want It That Way” at maraming iba pa.

Bukod sa grupo ay nagtanghal din sina Mariah Carey, Billie Ellish at Alicia Keys.