-- Advertisements --

Itinaas na ang signal number 4 sa northeastern portion of Babuyan Islands, habang patuloy ang paglapit ng supertyphoon Kiko.

Signal No. 3 naman ang umiiral sa extreme northeastern portion ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Babuyan Islands at Batanes

Signal No. 2 naman sa northern, central at eastern portions ng mainland Cagayan, northeastern portion ng Isabela, at northeastern portion ng Apayao

Signal No. 1 ang nakataas sa nalalabing parte ng mainland Cagayan, eastern portion ng Ilocos Norte, natitirang bahagi ng Apayao, northern portion ng Kalinga, eastern portion ng Mountain Province, northeastern portion ng Abra, northwestern at southeastern portions ng Isabela at northern portion ng Aurora

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 190 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 215 kph at pagbugsong 265 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.