LAOAG CITY – Arestado ang isang babaeng wanted person sa Barangay 1, San Lorenzo dito sa lungsod ng Laoag.
Kinilala ni Police Chief Master Sergeant Eric Bumagat ng PNP-Laoag ang suspek na si Marjorie Masaranga y Sanguir, 26-anyos, walang asawa at trabaho, at residente sa Brgy. 3 Nuestra Señora Del Rosario dito rin sa lungsod.
Ayon kay Bumagat, nahuli si Masaranga sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Jonathan Albano-Asuncion ng MTCC Branch 2 dito sa lungsod ng Laoag.
Nabatid na ang pagkakahuli sa suspek ay sa pinasamang puwersa ng PNP-Laoag na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Rafael Lero, PIU-INNPO , PDEU- INNPO, RID-PRO1 , CID ILOCOS NORTE, HPU ILOCOS NORTE, 1st INPMFC, RMFB1 at INMARPSTA.
Samantala, inirekomenda naman ang 10 libong piso na piyansa para sa pansamantalang kalaayan nito.
Sa ngayon ay nasa kustudiya na ng PNP-Laoag ang babae.